--Ads--

CAUAYAN CITY –Inaresto ang isang ama matapos gahasain ang kanyang anak na labing isang taong gulang na dalagita sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo radyo Cauayan sa Quezon Police Station , ang suspek na itinago sa pangalang Larry, isang manggagawa, nasa tamang edad ay dinakip matapos mayroong magbigay ng impormasyon sa himpilan ng pulisya na minomolestiya niya ang kanyang anak na itinago sa pangalang Nene, 11 anyos.

Tumanggi umanong maaresto ang suspek at kumuha ng kutsilyo at iniamba sa mga pulis subalit tuluyang nadakip ang manggagawa.

Isinailalim sa pagsusuri ang biktima at nagpositibong nagahasa bukod pa sa umaming ginagahasa siya ng kanyang ama

--Ads--

Inihahanda na ang kasong rape in relatation to Republic Act 7610 o child Abuse, Illegal possession of deadly weapon at  resisting arrest, serious disobedience.