--Ads--

CAUAYAN CITY –Kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa pagamutan ang isang indian national na nabaril matapos holdapin sa barangay Maligaya, Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay si Kuldip Singh, tatlumpu’t tatlong taong gulang at residente ng Calamagui Second, Ilagan City habang ang dalawang suspek ay sakay ng di pa matukoy na sasakyan

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Chief Inspector Sherwin Concha, hepe ng Tumauini Police Station na naniningil ng kanyang mga pautang sa nasabing lugar ang biktima nang biglang pinigil ng dalawang hindi matukoy na suspek at nagdeklara ng hold-up.

Ang isa sa suspek ay binuksan ang belt bag ng biktima at nakuha ang humigit kumulang Php2,000.00.

--Ads--

Ang isa sa dalawang suspek ay naglabas ng baril kayat sinubukan ng indian national na tumakas ngunit pinaputukan siya at natamaan sa kanang kamay.

Inihayag pa ni Chief Inspector Concha na nagpapatuloy ang kanilang pagkuha ng impormasyon upang matukoy ang mga suspek.

Sa ngayon ay sinusuri na nila ang kuha ng CCTV camera na malapit sa pinangyarihan ng krimen upang makita ang ginamit na sasakyan ng mga suspek.