--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kaso sa piskalya ang lalaking nahuli sa aktong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa isang pampublikong sementeryo kasama ang dalawang lalaki na nakatakas.

Ang nadakip ay si Resty Alonzo, 22 anyos at nakatira sa Silauan Norte, Echague, Isabela.

Siya ay sinampahan ng kasong paglabag sa section 11 ng republic act 9165 (comprehensive dangerous drugs act of 2002).

patuloy na pinaghahanap ang dalawang lalaki na kasama ni Alonzo.

--Ads--