--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy ang masusing pagsisiyasat ng pulisya sa pagbaril patay sa isang dating barangay kagawad sa Pilitan, Tumauini, Isabela.

Ang biktima ay si Pepe Baccay alyas Boyet, 40 anyos, may asawa at residente ng Brgy Lingaling, Tumauini.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Sherwin Concha, hepe ng Tumauini Police Station na sakay umano ng motorsiklo ang biktima patungo sa sabungan nang sundan at pagbabarilin ng mga riding in tandem criminal hanggang sa mamatay ang biktima gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.

Agad namang tumakas ang mga hindi pa nakilalang suspek patungo sa direksyon ng delfin albano.

--Ads--

Aniya, 9 na tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang natamo ng biktima kung saan maaaring inabangan ng mga pinaghihinalaan ang biktima na lumabas sa kaniyang bahay.

Aniya, walang masyadong bahay at walang kuha ng CCTV sa pinangyarihan ng krimen subalit may ilang nakakita sa pamamaril at inilarawan nila ang motorsiklong ginamit sa krimen.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang pulisya para sa pakakadakip ng mga suspek.