--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang mag-ama matapos mabangga at bumaliktad ang kinalululanang tricycle sa provincial road ng Poblacion,Aritao, Nueva Vizcaya

Ang mga biktima ay sina Val Jason Bolisay, 36 anyos at ang anak nito na si Jason Clyde Bolisay, 20 anyos, kapwa residente ng Nagcuartelan, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo sa Aritao Police Station, ang mga biktima ay patungong Aritao proper ng biglang mabangga ng owner type jeep na minamaneho ni Richard Mangaoang, apatnaput syam na taong gulang, may asawa residente ng Cutar Aritao, Nueva Vizcaya ang kanilang sinasakyang tricycle.

Sa lakas ng pagkakabangga ay bumaliktad ang tricycle at tumilapon ang mag-ama at nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

--Ads--

Agad na isinugod sa Municipal Health Office sa Aritao ang mga biktima subalit inilipat sa Veterans Regional Hospital para sa karagdagang gamutan.

Ang driver ng owner type jeep na si Mangaoang ay nasa umanoy impluwensya ng nakalalasing na inumin at boluntaryong sumuko sa himpilan ng pulisya matapos ang aksidente.