--Ads--

CAUAYAN CITY– Nahaharap sa kasong frustrated murder ang isang magsasaka matapos tagain ang sariling kapatid sa Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Bagabag Police Station, ang suspek ay si Joseph Piscoso, 52 anyos at ang biktima ang nakababatang kapatid na si Virgilio Piscoso, 46 anyos, may asawa, Bantay Bayan Member at kapwa residente ng naturang lugar.

Una rito ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek sa asawa ng biktima dahilan upang mamagitan si Virgilio subalit kumuha ng gulok ang kuya at tinaga sa hita ang biktima.

Agad isinugod ang biktima sa Veterans Regional Hospital habang ang suspek ay boluntaryong sumuko sa Bagabag Police Station.

--Ads--

Iginiit ng suspek na nagawa niyang tagain ang kanyang kapatid dahil nauna umano siyang pinalo gamit ang rattan sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.