--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlong katao ang sugatan matapos bumangga ang kanilang sinasakyan sa nakaparadang trailer truck sa gilid ng pambansang lansangan sa Busilac, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang trailer truck ay minamaneho ni Joel Añez, 42 anyos, may-asawa at residente ng Concepcion , General Tinio, Nueva Ecija.

Lumabas sa pagsisiyasat ni SPO2 Marzel Goloyugo ng Bayombong Police Station ang Mitsubishi L300 minamaneho ni Christian Lapig, 39 anyos, walang driver’s license at residente ng Guyong, Santa Maria, Bulacan ay bumibiyahe patungong north direction nang aksidente nabangga ang trailer truck na nakaparada sa gilid ng daan

Nagsanhi ito upang masugatan ang tsuper ng Mitsubishi L300 at ang mga sakay na sina Ericson Roque, 26 anyos at Giselle Dibuna 18 anyos, mag-aaral at pawang residente ng Guyong, Santa Maria, Bulacan.

--Ads--

Kaagad dinala ang mga biktima sa Veterans Regional Hospital.