--Ads--

CAUAYAN CITY– Kontrolado pa rin ng mga kasapi ng Santiago City Police Office ang katahimikan at kaayusan sa Santiago City taliwas sa ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na number 4 hot bed ng illegal na droga.

Dahil dito ay hindi matanggap ni City Mayor Joseph Tan ang pahayag ng Pangulo.

Sa inilabas ng Santiago City Police Office na crime against person mula July 1-31, 2018 ay nakapagtala ng 25 na kaso habang ang crime against property ay nakapagtala sila ng 21 na kaso .

Habang sa index crime ay mayroong 34, sa traffic incidents ay nagtala ng 75 kaso at ang lumabag sa special laws ay 34 na bilang.

--Ads--

Nagtala naman ng 34 na kaso sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal gambling.