--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Santiago City Police Office (SCPO) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ang isang ginang na itinururing na High Value Target HVT) sa isinagawang drug buy-bust operation.

Ang inaresto ay si Leila Miranda Ancheta, 47 anyos at residente ng Rizal, Santiago City.

Dinakip ang suspek matapos bentahan ng hinihinalang illegal na droga ang pulis na nagsilbing poseur/buyer.

Nakumpiska kay Miranda ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit isang gramo at buy-bust money na 3000 pesos.

--Ads--

Si Ancheta ay dati nang sumuko sa mga otoridad at maituturing siyang High Value Target ng PDEA at PNP.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dagerous Drugs Act of 2002 laban kay Miranda.