--Ads--

CAUAYAN CITY – Sa ikalawang pagkakataon, muling pinarangalan bilang Most Oustanding Local Legislator si Vice Mayor Leoncio “Bong” Dalin Jr.  ng Cauayan City ng  isang International award giving body na kumikilala sa mga local at national leaders sa bansa .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Vice Mayor Dalin na nagpapasalamat siya sa natanggap na award dahil sa buong region 2 ay siya lamang ang City Vice Mayor na nabigyan ng nasabing parangal mula sa Superbrand International.

Bukod sa kanya ay nabigyan din ng katulad na parangal ang isang councilor ng  Tuguegarao  City at mayroon ding isang miyembro  ng Sangguniang Bayan ng Ballesteros, Cagayan.

Sinabi pa ni Vice Mayor Dalin na bago ang nasabing parangal ay inihain nila ang mga naipasang ordinansa sa Lunsod ng Cauayan maging ang mga award na nakamit at mga programa ng kanyang tanggapan.

--Ads--

Dahil sa natanggap na parangal ay inihayag ni Vice Mayor Dalin na lalo pa siyang inspirado para pagbutihin ang kanyang trabaho bilang  Vice Mayor ng Cauayan City.