--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinanggi ng pamunuan ng Cauayan City District Hospital ang paratang na may tinatanggihan o hindi inaasikasong pasyente.

Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, inihayag ni Dr. Herrison Alejandro, Chief of hospital ng Cauayan City District Hospital na nang makita ng internist ang pasyente ay ipinaliwanag niya ang kalagayan ng pasyente at kailangan siyang mailipat sa ibang ospital.

Nagbigay din sila ng mga gamot na kayang ibigay ng pagamutan.

Hinintay din nila ang pasya ng mga kapamilya ng pasyente kung iliipat siya o hindi.

--Ads--

Sinabi pa ni Dr. Alejandro na hindi sila tumatanggi ng pasyente at ginagawa nila ang kanilang makakaya sa pagbibigay ng lunas sa pasyente.

Nauna rito isang concerned citizen ang nagpaabot sa Bombo Radyo Cauayan na isang pasyente na naglason na dinala sa Cauayan City District Hospital ang sinabihan umano na ilipat sa ibang pagamutan.

Hindi man lamang umano tiningnan at nilagyan ng suero ang pasyente bago nailipat sa ibang ospital.