--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ang isang ama matapos ireklamo dahil sa pagpalo sa dalawang dalagitang anak sa San Mateo, Isabela.

Sinabi ng pinaghihinalaan na si Arnel Riparip na nadatnan niya ang kanilang bahay na hindi maayos kaya napalo ang dalawang anak.

Pinagsabihan ang mga anak na huwag munang pumunta sa kanilang mga kapitbahay para may kasama ang kanilang lola na kanyang sinundo.

Gayunman, pagdating niya ay magulo ang kanilang bahay na dahilan para mapalo ang mga anak.

--Ads--

Inamin niya na nasa impluwensiya siya ng alak at nakasagutan ang kanyang hipag kaya dinala siya sa himpilan ng pulisya.