--Ads--

CAUAYAN CITY- Maaaring ma-revoke ang amnestiya na ipinagkaloob ng pangulo ng bansa sa isang individual kung talagang hindi nasunod ang mga requirement para ito maigawad.

Sa naging panayam ng Combo Radyo Cauayan kay Atty. Randy Areola hinggil sa pagpapawalang bisa sa amenstiya na ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senador Antonio Trillanes, sinabi niya na hindi alam ang totoo dahil maraming lumalabas sa balita na walang application ang senador, hindi nag-admit ng guilt na isang pre-requisite sa amnestiya.

ang sinasabi aniya ng malakanyang ay mula noong simula ay void o walang bisa ang amnesty grant sa senador dahil may mga kakulangan sa requirements dahil may mga hindi nasunod.

Ayon kay Atty. Areola, dahil sa magkakasalungat na views o pananaw ay dapat dumulog sa korte ang kampo ni Senador Trillanes para maghain ng petisyon para magpalabas ng temporary restraining order ang hukuman.

--Ads--

Ipinaliwanag pa ni Atty. Areola na dahil co-equal branch ng executive ang senado na nasa legislative branch ay hindi basta-basta hulihin si Senador Trillanes habang nasa session dahil maaari siyang kanlungin

Binigyang diin ni Atty Areola na para maalis ang mga pagdududa, dapat magpakita ng mga dokumento ang magkabilang panig.