--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakatakdang magsagawa ng Pre Disaster Risk Assesment at Council Meeting ang Cauayan City Risk Reduction and Management Council bukas upang pag-usapan ang kanilang magiging paghahanda sa maaaring tatamang bagyong Ompong sa bansa.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakahanda na umano ang mga sasakyan na maaaring gamitin sa pamahalaang lungsod sakaling tatama ang bagyo sa rehiyon 2 .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag pa ni CSWD Officer Lolita Menor, sa ngayon ay nakahanda narin ang mga relief items handang ipamahagi sa mga matinding tatamaan ng sakuna.

Anya nakatakda na rin nilang kunin ang karagdagang 300 food items na manggagaling sa DSWD region 2.

--Ads--

Sa ngayon ay pinag-uusapan na ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office ang iba pang gagawing paghahanda na ilalatag nila sa pagpupulong ng CDRRMC.

Ang CDRRMC ay pinamumunuan ni City Bernard Dy at binubuo ng ibat ibang departamento ng pamahalaang panglungsod at mga non goverment organization.

Samantala, nauna nang nagkaroon ng emergency meeting ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Council ng Isabela para paghandaan ang Super typhoon Ompong na inaasahang papasok sa bansa bukas ng gabi.