--Ads--

CAUAYAN CITY- Nakarating na dito sa Isabela ang anim na military trucks na naglalaman ng 820 sako ng bigas mula sa Davao City

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Army Captain Jefferson Somera, Chief ng Division and Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Phil. Army ang nasabing bigas ay mula sa mga mamamayan ng Davao City sa pangunguna ni City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Capt. Somera, personal na hiniling ni Major General Perfecto Rimando Jr. Commander ng 5th ID sa City Mayor ang tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ompong.

Ito ay para sa piling mga mamamayan sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan na naapektuhan ng bagyong Ompong.

--Ads--

Pansamantalang dinala sa 5th ID ang mga bigas upang sa ganun ay sila na ang magsagawa ng repacking para hindi na makadagdag na abala sa mga LGUs na pagdadalhan ng mga nasabing relief goods na ngayon ay abalang nagmomonitor sa apektadong mga mamamayan.