--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaresto ang isa sa dalawang suspek na nangholdap sa Isang rastaurant sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Inspector Ferdinand Laudencia, hepe ng Bagabag Police Station na ang dalawang suspek ay nag-order pa ng cup noodles at matapos silang kumain, sa halip na magbayad ay lumapit sila sa may-ari ng restaurant na si Ginang Patricia Serquinia, 65 anyos, residente ng Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya na kaagad tinutukan ng baril at nagdeklara ng hold-up.

Natangay ng dalawang suspek ang mahigit Php4,000.00cash na napagbentahan ng biktima at maging ang dalawang costomer na nagtungo sa restaurant ay kanila ring hinoldap at natangayan ng Php20,000.00.

Kaagad namang nag-ulat sa mga nagpapatrolya pulis ang dalawang costomer na biktima ng panghoholdap at itinuro ang direksiyon kung saan tumakas ang mga suspek.

--Ads--

Natukoy din ng mga biktima ang isa sa dalawang suspek sa pamamagitan ng Rogues galery ng PNP.

Nakipag-ugnayan ang Bagabag Police Station sa mga kasapi ng Villaverde Police Station subalit hindi nadatnan sa kanilang bahay ang suspek kaya’t ipinagpatuloy ang operasyon sa bahagi ng Ifugao kung saan nasukol ang isa sa dalawang suspek.

Sinubukang tumakas ng suspek ngunit nadakip ng mga pulis at positibong kinilala ng apat na biktima ng panghoholdap.

Sa ngayon ay inaalam pa ang pagkakilanlan ng isa pang suspek para tuluyan na ring madakip.