--Ads--

CAUAYAN CITY – Magsasagawa ng background check ang mga kasapi ng Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) sa suspek hinggil sa tunay na salarin sa pagpatay sa 3 anyos na batang babae na natagpuan sa irrigation canal sa Santiago City.

Ang biktima ay si Ronalyn Mando Braga, 3 anyos, residente ng Purok 7, Rizal, Santiago City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni P/Chief Inspector Rolando Gatan, Acting Commander ng Station 1 na matapos nilang madakip ang suspek na si Roland Domingo, 24 anyos, binata ng barangay Rizal, Santiago City sa barangay Sagana ay agad siyang umamin na siya ang pumatay dahil sa utos umano ng ama ng biktima na si Ronald Braga.

Batay anya sa kanilang pagsisiyasat, inalok umano ng Php10,000.00 cash ng ama ng biktima ang suspek para patayin ang anak nito para tuluyan na silang maghiwalay ng misis.
Inihayag pa ng suspek na matapos niyang patayin n sa sakal ang bata ay ang ama ang nagtapon sa bangkay ng anak sa irrigation canal.

--Ads--

Mariing itinanggi naman ni Ronald Braga na ipinag-utos nito ang pagpatay sa anak
Gayunman, inihayag ni Chief Inspector Gatan na hindi naman sila agad maniniwa sa salaysay ni Domingo hanggang walang matibay na ebidensiya na may kinalaman ang ama ng biktima sa pagpatay.

Isasailalim anya sa autopsy ang bangkay ng bata para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.