CAUAYAN CITY- Inaasahan na ni barangay Kapitan Lawrence Acorda ng Diamantina Cabatuan, Isabela ang pagsisilbi anumang oras ng DILG sa dismissal order na ipinalabas ng tanggapan ng deputy Ombudsman for Luzon.
Ito ay kaugnay ng kasong Conduct prejudicial to the best interest of service, grave conduct at serious dishonesty na isinampa ni dating Rural Improvement Club President Clarita Cadelenia,
Sa naging panayam ng Bombo radyo Cauayan, sinabi ni Punong Barangay Acorda na mayroon na siyang naunang natanggap na impormasyon hinggil sa desisyon ng Ombudsman at wala siyang magagawa kundi tanggapin.
Gayunman, iginiit niya na hindi niya ginamit sa pang-aabuso ang kanyang tungkulin noong una niyang termino.
Ang mga paratang sa kanya ay naganap noong panahon ng kanyang unang termino.
Nadismis aniya ang kasong malversation of public funds na isinampa laban sa kanya ni Gng. Cadelenia nang ipagawa ang pathway ng simbahang katoliko dahil sa hiwalay na kapangyarihan ng simbahan at estado.
Matapos madismis ang kaso ay hinanapan siya ng iba pang kaso na dismissal ang naging pasya ng deputy ombudsman.
Nanindigan si Barangay Captain Acorda na sinunod niya ang 3962 provision ng local government code na nagsasaad na may kapangyarihan ang punong barangay na magtalaga ng mga mga pinuno ng tanod, barangay health worker at iba pa kahit walang concurrency ng sangguniang barangay.
Ang naging pagkakamali lamang ay ang petsang inilagay ng barangay secretary na unang araw ng enero na petsa ng session.