--Ads--

CAUAYAN CITY- Piniling manahimik at maikling pahayag lamang ang ibinigay ni de-throne Miss Lebanon Earth 2018 Salwa Akar upang katawanin ang kanyang bansang Lebanon.

Sa pagbisita ng 28 kandidata ng 2018 Miss Earth sa Isabela ay kapansin pansin ang pagsama ni Akar sa mga kandidata subalit hindi na bilang bahagi ng Miss Earth 2018 sa halip ay bilang supporter na lamang .

Ayon kay dating Miss Lebanon Earth 2018 Salwa Akar, suportahan na lamang ang mga kandidata at kanilang mga adbokasiya at huwag nang pag-usapan ang isyu kaugnay sa pag de-throne sa kanya ng lebanon.

Magugunitang binawi ang korona ni Miss Earth 2018 Salwa Akar bilang kinatawan ng Lebanon makaraang I-post ang selfie nila ni Miss Israel Earth 2018 Daza Zreik .

--Ads--

Ang Israel at Lebanon ay ilang taon nang may alitan kung saan pinagbabawalan na makapasok sa Lebanon ang mga mayroong Israeli passport.

Nasa Isabela ngayon ang 28 kandidata ng 2018 Miss Earth para sa resorts wear at talent competition na gaganapin bilang bahagi ng Mengal Festival ng bayang Echague.