--Ads--

CAUAYAN CITY- Matinding pressure ang nararamdaman ngayon ng kinatawan ng Pilipinas para sa 2018 Miss Earth na si Silvia Celeste Cortesi sa pagpapanatili ng titulo para sa bansa

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Miss Earth Philippines 2018 Silvia Celeste Cortesi na bagamat matinding pressure ang kanyang nararamdam makaraang makuha ni Karen Ibasco ang Miss Earth 2017 kanya umanong itong gagamiting inspirasyon upang pagbutihin at manalo sa patimpalak.

Hindi rin niya naitago ang kasiyahan dahil siya ang magiging kinatawan ng Pilipinas at sa bansa gaganapin ang koronasyon ng 2018 Miss Earth.

Wala rin anya siyang nakikitang mahigpit na katunggaling kandidata dahil ayaw niyang ihalintulad ang kanyang sarili sa mga kapwa kandidata na mayroong sariling katangian ang bawat isa na maaaring ipagmalaki.

--Ads--

Sinagot din ni Miss Earth Philippines 2018 Silvia Celeste Cortesi ang isyung ibinabato sa kanya na hindi nagsasalita ng wikang Filipino.

Hindi anya niya ito nakikitang malaking kabawasan sa kanyang pagsali at dahil sa bansang italya siya lumaki kaya hindi nakapagsanay sa wikang Filipino ngunit kanya namang naiintindihan ang ating wika

Sinabi pa niya na matapos ang patimpalak ay nangako siyang kanyang pag-aaralan ang wikang Filipino.

Ang 28 kandidata sa 2018 Miss Earth ay nasa Isabela para sa gaganaping resorts wear at talent competition sa October 27, 2018 bilang bahagi ng pagdiriwang Mengal Festival sa Echague, Isabela.