--Ads--

CAUAYAN CITY – Nasugatan ang isang negosyante at patuloy na nilalapatan ng lunas sa ospital matapos na barilin kagabi sa Bayombong, Nueva Vizcaya

Ang biktima ay si Flerida Foronda, 43 anyos, negosyante at residente ng San Nicolas, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Abala ang biktima sa kanyang ukay-ukay stall sa public market sa Don Mariano Perez nang pumasok ang gunman at biglang binaril.

Agad na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo na minaneho ng kanyang kasama.

--Ads--

Patuloy ang pagsisiyasat ng Bayombong Police Station sa naganap na pamamaril.