CAUAYAN CITY – Bukod sa retraining ng tatlong buwan ay sasailalim din sa stress debriefing ang mga sundalo na bumalik na sa isabela mula sa Jolo, Sulu.
Noong Sabado at kahapon ay dumating ang mga kasapi ng 45th infantry battalion philippine army sakay ng C-130 plane. Sila ay mainit na sinalubong ng mga opisyal ng 5th infantry division philippine army at kanilang mga pamilya.
Sa naging panayam ng bombo radyo cauayan, sinabi ni Major Gen. Perfecto Rimando, commanding general ng 5th ID na malaking bagay ang pagsailalim sa mga sundalo sa stress debriefing at retraining sa loob ng tatlong buwan bago sila maitalaga sa mga lugar na sakop ng 5th ID.
Ayon kay Maj. Gen. Rimando, mula nang lumabas ang mga pinuno at kasapi ng 45th IB sa 5th ID at ma-destino sa Maguindanao, Basilan at Jojo, Sulu ay umabot sa sampu ang nasawi, 4 ang wounded in action na opisyal at 24 na mga tauhan ang nasugatan sa kanilang mga laban.
Ayon kay Maj. Gen. Rimando, mabibigyan ng bakasyon ang mga dumating na sundalo mula sa Jolo, Sulu.