--Ads--

CAUAYAN CITY -Naging inspirasyon ng isang 16 anyos na binatilyo ang kanyang ina sa pagdodonate ng dugo sa Dugong Bombo 2018.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ken Aldrin Yuga, a6 anyos, Grade-11, residente ng Marabulig, Cauayan, City na palagi niyang sinasamahan ang kanyang ina na nagdodonate ng dugo sa taunang isinasagawang Dugong Bombo at nakitang maganda ang epekto nito sa kanyang ina.

Naisipan niyang magdonate hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para makatulong sa kapwa.

Hinikayat din niya ang mga kapwa kabataan na magdonate ng dugo para makatulong sa mga nangangailangan.

--Ads--

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Jocelyn Yuga, 40 anyos, ina ni Ken Aldrin na sampong beses na siyang nagdodonate ng dugo at ito ang pang-anim na beses na magdonate siya sa Dugong Bombo.

Naitanim niya sa isipan ng kanyang nag-iisang anak ang kagandahan ng pagdodonate ng dugo.

Noong una ay tinanong siya ng kanyang anak kung maaari na ba siyang magdonate ng dugo at nang sinuri ng mga taga red cross ay na-qualified na magdonate ng dugo kahit 16 anyos pa lamang.