--Ads--

CAUAYAN CITY- Humihina na ang puwersa ng abu sayaff group sa lalawigan ng Sulu.

Batay sa assessment sa kalagayang pangkapayapaan ngayon sa Sulu, sinabi ni Lt. Col. Alaric Avelino delos Santos, Commander ng 41st Infantry Battalion na malayong mas tahimik ang lalawigan ng Sulu sa mga panahong ito kung ihahambing noong 2016.

Hindi na aniya gaanong malakas ang puwersa ng Abu Sayyaf at sa mga susunod na ilang linggo o buwan ay ganap nang makakawala ang Sulu mula sa mga Abu Sayyaf.

Masaya si Lt. Col. Alaric Avelino delos Santos na nabigyan ng pagkakataon para pamunuan ang 41st Infantry Battalion Philippine Army upang bumalik sa Matatal, Maimbung, Sulu.

--Ads--

Ito ay nasa ilalim ng Task Force Sulu na naatasang lipulin ang Abu Sayyaf Group na naghahasik ng karahasan sa naturang lalawigan.

Si. Lt. Col. Delos Santos ang dating battalion commander ng 45th IB na bumalik na sa Isabela mula sa siyam na taong pagkakadestino sa Mindanao subalit naitalaga siyang bagong Batallion Commander ng 41st IB na bumalik sa Sulu upang tuluyang malipol ang abu sayaff.

Kanya pang sinabi na hindi aniya malaki ang epekto sa kanila ang naganap na pagkasawi ng limang kasapi ng 45th IB sa pakikipagsagupa sa mga kasapi ng Abu Sayyaf dahil sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang bayan at pangalagaan ang seguridad ng mga mamamayan.