--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng mga kasapi ng Angadanan Police Station ang tatlong drop ball operator sa kanilang isinagawang anti-illegal gambling operation sa barangay Calaccab, Angadanan.

Ang mga dinakip ay sina Roderick Camaddu,38 anyos, binata, at residente ng Silauan Sur, Echague, Isabela; Lee Robin Dalupang, 22 anyos, binata, at si Cristy Camaddu, pawang residente ng barangay Taggapan, Echague.

Sa nakuhang mpormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office, nakatanggap ng impormasyon ang Angadanan Police Station hinggil sa operasyon ng drop ball sa barangay Calaccab.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang Angadanan Police Station sa pangunguna ni P/Sr inspector Ardee Tion, hepe ng Angadanan Police Station at nadakip nila ang mga suspek at nasamsam ang mga gambling paraphernalia na kinabibilangan ng drop ball table, dalawang pingpong ball, at taya na nagkakahalaga ng mahigit Php3,000.00.

--Ads--

Ayon kay Senior Inspector Tion, tatlong araw pa lang na nag-ooperate sa naturang lugar ang drop ball.

Bagamat marami ang tumataya nang dumating ang mga pulisy ay ang mga operators lang ang kanilang inaresto dahil nagtakbuhan na sila nang makita ang mga pulis.

Inahahanda ang kasong paglabag sa PD 1602 (anti-Illegal Gambling Law) laban sa mga suspek.