--Ads--

CAUAYAN CITY – Dinakip ng magkasanib na pwersa ng Santiago City Drug Enforcement Unit ng Station 1 at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA – Region 2 ang isang grade 9 student dahil sa illegal na droga sa barangay Villasis, Lunsod ng Santiago..

Sa nakuhang impormasiyon ng Bombo Radyo Cauayan, dinakip ang labing limang taong gulang na grade 9 student sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy Bust Operation matapos ang matagumpay na pagbili sa kaniya ng pulis na nagpanggap na poseur buyer ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana sa halagang tatlong daang piso.

Agad naman itong ipinasakamay sa tanggapan ng Prosecutor’s ng Santiago City at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.