--Ads--

CAUAYAN CITY– Sa kabila na tuluyan nang nagwithdraw ng kandidatura bilang gobernador si Cong. Napoleon Dy ay tuloy na tuloy ang pagtakbo ni dating Gov. Grace Padaca bilang Vice Governor.

Si Cong. Dy ay naunang naghain ng kandidatura kasama si dating Gov. Grace Padaca na kakandidato naman bilang Vice Governor sa 2019 midterm elections.

Naging mailap naman sa media si Cong. Dy matapos umatras sa kanyang pagkandidato bilang Gobernador.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni dating Mayor Fernando Cumigad na noong inilatag ni Cong. Napoleon Dy ang kanyang adbokasiya ay tugma sa kanilang ipinaglalaban na good governance.

--Ads--

Inihayag pa ni Mayor Cumigad na nagulat na lamang siya nang sabihin ni Cong. Napoleon Dy na hindi niya nakuha ang suporta ng kanyang kuya na si dating Governor Faustino Dy Jr.

Tiwala anya sila sa katapatan ni Cong. Dy sa pakikipag-alyado sa kanila subalit hindi naman anya nila kontrolado ang sitwasyon

Tiniyak naman anya sa kanya ni dating Governor Grace Padaca na tuloy ang kanyang pagkandidato bilang Vice Governor at makakalaban nito si Gov. Bogie Dy na kapatid ni Cong. Napoleon Dy.