CAUAYAN CITY- Tiniyak ni dating Governor Grace Padaca na tuloy ang kanyang pagkandidato bilang vice governor ng Isabela sa 2019 midterm elections.
Ito ay sa kabila ng pag-atras ng kanyang katandem na si Cong. Napoleon Dy bilang gobernador ng Isabela.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni dating Governor Padaca na bago umatras sa kanyang pakandidato ay nagtungo sina Congressman Napoleon Dy at Mayor Bentot Panganiban sa kanilang bahay at nag-kausap sila noong araw ng Miyerkoles, isang araw bago umatras ang kanyang katandem na si Cong. Dy.
Sinabi anya sa kanya na nakipagkasundo si Cong. Napoleon Dy kina Gov. Bogie Dy at Cong. Rodito Albano na iatras ang kanyang pagkandidato bilang Gobernador dahil ito anya ang nais ng kanilang kuya na si dating Governor Faustino Dy Jr.
Naniniwala din anya si dating Gov. Padaca na mahalaga sa pamilya Dy na manalo silang lahat at pinapaatras ang kanilang mga makakalaban.