CAUAYAN CITY- Nakatakdang iuwi ngayong umaga ang mga labi ng sundalong namatay sa naganap na pananambang sa patikul, sulu noong Biyernes.
Ang nasawi ay si Corporal Herald Tomas Marayag na residente ng Centro Dos, San Guillermo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Major Jefferson Somera, pinuno ng Division Public Affairs Office ng 5th Infantry Division Philippine Army kanyang sinabi na bukas ng umaga ang labi ni Corporal Marayag sakay ng C130 plane ay lalapag sa Tactical Operations Group o TOG 2 Cauayan City
Samantala, panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Anita De Guzman, residente ng Upi, Gamu, Isabela lola ng namatay na si Corporal Herald Tomas Marayag na residente ng Centro Dos, San Guillermo, Isabela na nasa punerarya sa Zamboanga City ngayon ang mga labi ng kanyang apo at nakatakdang iuwi dito sa Isabela.
Siyam na taon anyang nasa serbisyo ang kanyang apo at magtatatlong taon nang naitalaga sa Patikul, Sulu kung saan nasawi siya sa naganap na pananambang ng mga kalaban ng pamahalaan..
Inilarawan ni Ginang De Guzman ang kanyang apo na huwaran na anak at huwaran ding kawal ng pamahalaan.