--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinatulan ng habangbuhay na pagkabilanggo ang isang senior citizen na gumahasa sa kanyang pamangkin na may diperensiya sa pag-iisip sa Roxas, Isabela.

Ang akusado ay animnapong taong gulang, balo at residente ng Roxas, Isabela

Bago hinatulan ay naaresto na ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Bernabe Mendoza ng Regional Trial Court branch 23 sa Roxas, isabela sa kasong statutory rape.

Naging malakas ang ebedensiya laban sa akusado dahil sa nakita mismo ng ina ng biktima na ginagahasa ng suspek sa loob ng banyo ang kanyang anak .

--Ads--

Lumabas din sa pagsusuri ng manggagamot na positibong ginahasa ang biktima.