--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang isang pintor matapos magbigti sa barangay Osmenia, Ilagan City.

Ang nagbigti ay si Romeo Corpuz, 23 anyos, pintor, binata at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office ( IPPO) natagpuan ang katawan ni Corpuz sa loob ng bahay na nakabitin gamit ang electrical chord.

Nakipag inuman pa ang biktima sa kaniyang mga kaibigan bago nagbigti.

--Ads--

Lumabas naman sa pagsisiyasat ng Ilagan City Police Station na iniwan ang biktima ng kaniyang live-in partner at mga anak.