--Ads--

ANAC-IP Party-list Representative Jose Panganiban, umaming humingi ng pondo sa Road Board

CAUAYAN CITY – Inamin ni ANAC-IP Party-list Representative Jose Panganiban na humingi siya ng pondo sa Road Board para sa pagsaayos ng mga lansangan sa Isabela ngunit hindi inilalabas ng Kagawaran ng Laang Salapi at Pamamahala o DBM.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma ni ANAC-IP Party-list Representative Jose Panganiban ang kanyang paghingi ng pondo sa Road Board noong Marso 2017

Pangunahing inihingi niya ng pondo ay ang pagpapa-sapalto sa overlane ng Cauayan-Cabatuan road na nagkakahalaga ng 7.5 million pesos at ang pagpapa-aspalto sa overlane ng Alicia-San Mateo road na 10 million pesos.

--Ads--

Umaabot anya sa kabuoang 17.5 million pesos ang nahingi niya at inaprubahan ng road board noong December 2017.

Hindi anya ibinibigay ng diretso sa mga mambabatas ang pondo kundi ibinibigay sa implementing agency na DPWH.

Subalit nilinaw ni Partylist Representative Panganiban na sa kabila na sinang-ayunan ng Road Board ay hindi pa inilalabas ng DBM ang pondo.