CAUAYAN CITY – Nanawagan ang isang kongresista na maging patas ang pagkakaloob ng pondo sa mga mambabatas mula sa road users tax dahil ito ay para sa road project sa kanilang distrito.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Napoleon Dy ng 3rd district ng Isabela na kung mahina ay hindi ipapalabas ang request na pondo samantalang ang iba ay pinagbibigyan ang 250 hanggang 300 million pesos na hiniling nilang pondo.
Iginiit ni Cong. Dy na dapat patas o equal ang pagbibigay ng pondo dahil lahat namang kalsada sa kanilang mga distrito o sa kanilang mga lalawigan ay dinadaanan ng mga sasakyan na nagbabayad ng road users tax.
Nasisimula aniya ang corruption kapag may lumalapit na kontratista at sinasabihan sila na sila na ang bahala sa kanilang request na pondo. Ang ibang mambabatas ay pinapatulan ito kaya malalaki ang nailalabas na pondo para sa kanila.
Pinag-aawayan na ito ngayon matapos na magsalita si Klaihim Benjamin Diokno ng DBM na iveveto ng Pangulo ang budget dahil mayroon siyang veto power.
Iginiit ni Cong. Dy na dapat disiplinahin din ng Presidente ang kanyang gabinete dahil mayroon ding naghahanapbuhay o kumikita sa kanila.