--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang 19 na firecracker related fire incident sa bansa ngayong Disyembre, 2018 at inaasahan pang tataas habang papalapit ang pagsalubong ng bagong taon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Fire Supt. Joan Vallejo, tagapagsalita ng BFP, anim ang naitala sa National Capital Region, sampo sa Region 1, isa sa Baguio at tig-isa sa Regions 3 at 7.

Ang nasabing bilang ay mas mababa pa kumpara sa mga nakalipas na taon.

Dahil dito, ilulunsad ng BFP ang Oplan Ligtas Pamayanan sa Enero, 2019 kasunod ng maraming naitalalang sunog sa bansa.

--Ads--

Layunin ng Oplan Ligtas Pamayanan na mabigyan ng kaalaman ang publiko at sanayin ang mga ito kung paano tumugon kapag may sunog at ano ang dapat gawin.

Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon ng disiplina sa sarili para makaiwas sa sunog at maitala ang zero fire incident ang bawat lokalidad sa bansa.