Biktima ng paputok sa region 2 noong 2018, bumaba ng 69%
CAUAYAN CITY Umabot na sa dalawamput apat ang bilang ng mga biktima ng paputok sa ikalawang rehiyon.
Sa nakuhang datos ng Bombo Radyo Cauayan sa DOH-Region 2 mula sa labindalawa ay umakyat na sa dalawampu’t apat ang mga nasugatan sanhi ng paputok mula December 21, 2018 hanggang January 2, 2019.
Ito ay bumaba ng 69% kung ihahambing sa 72 na biktima ng paputok na naitala ng DOH region 2 noong 2017.
Naitala ang 5 biktima ng paputok sa Cagayan at 5 rin sa Lunsod ng Tuguegarao habang 4 sa Isabela; tigdalawa sa Nueva Vizcaya at Quirino; 3 sa Lunsod ng Santiago at isa ang naitala sa Batanes.
Kabilang sa ginamit ng mga biktima ang boga, whistle bomb at athena 16 shots missile at prang diamond.
Ang mga biktima ay nasa 6 anyos hanggang 69 anyos at karamihan ay mga kalalakihan.
Ayon naman sa DOH Region 2, naging malaking epekto sa mababang bilang ng mga biktima ng paputok ang Executive Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang naranasang tuloy-tuloy na pag-ulan hanggang sa bisperas ng bagong taon.