--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Jones Police Station ang isang barangay kapitan sa Jones, Isabela na wanted sa batas dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o anti-child abuse law.

Ang inaresto ay si barangay kapitan Samuel Mayor, 56 anyos at residente ng Malannit, Jones, Isabela

Sa pangunguna ni P/Chief Inspector Rex Pascua, hepe ng Jones Police Station ay dinakip sa Brgy. Malannit ang akusado sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Bonifacio Ong, Presiding Judge, RTC Branch 24 sa Echague, Isabela

Walumpong libong piso ang inirekomendang piyansa para pansamantalang paglaya ni barangay kapitan Samuel Mayor.

--Ads--