CAUAYAN CITY – Maayos na naisagawa ngayong araw ang local na bersiyon ng traslacion ng mga deboto sa Ilagan City ng replika ng itim na Nazareno na pinabasbasan noong lunes sa Quiapo Chruch.
Isinagawa ang traslacion kaninang alas kuwatro ng hapon mula sa Ilagan City Hall hanggang sa terminal ng Ilagan sa Alibagu at nilahukan ng daang daang deboto.
Layunin nitong mailapit ang Poong Nazareno sa mga mamamayan sa Ilagan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Peterson Patriarca, tagapagsalita ng City Of Ilagan Gay Association o CIGA na nakipagsiksikan sila sa harapan ng Quiapo Chruch para mabasbasan ang replika ng itim na Nazareno na ginamit sa kanilang traslacion.
Sinabi ni Ginoong Patriarca na nasa ikatlong taon na ang kanilang panata sa itim na Nazareno.