--Ads--

CAUAYAN CITY -Mahigit isang libong bisekleta na ang ipinamahagi ng Kagawaran ng Edukasyon o DEP-ED Santiago City sa mga estudyanteng nag-aaral ng sekondarya sa mga pampublikong paaralan sa lunsod

Sa panayam ng bombo kay Santiago City Dep-ed information officer Cheryl Ramiro kanyang inihayag na bahagi ito ng kanilang project padyak na matagal na ring pinagplanuhan.

Paraan umano ito upang matulungan ang mga estudyante na nahihirapan sa pang araw araw na gastusin.

Layunin ng nasabing progrma na mabawasan o maiwasan ng mga estudyante ang lumiban sa kanilang klase.

--Ads--

Ilan din sa naging batayan sa pagpili ng mga estudyanteng nabigyan ng bisekleta ay ang mga mag aaral na mahihirap at ang mga malalayo ang bahay mula sa paaralan.

Anya, bago pa man nila ipinamahagi ang mga bisekleta ay tinuruan ang mga estudyante kung paano pangalagaan ang bisekleta.

Ito ay para may magamit pa ng mga susunod na pagpapasahan ng bisekleta.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,372 ng bisikleta ang naipagkaloob sa sa mga mag-aaral at patuloy ang kanilang pamamahagi hanggat mayroong nangangailangang mag-aaral.