--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagpapatuloy ang pagsisiyasat ng mga kasapi ng Angadanan Police Station ang pagbaril-patay sa isang driver ng tricycle matapos pagbabarilin sa barangay Villa Domingo, Angadanan,Isabela.

Ang biktima ay si Jayson Domingo, 32 anyos at residente ng Purok 5, Rizaluna, Alicia, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na ang biktima ay sakay ng kanyang tricycle patungong Lunsod ng Cauayan at pagdating sa nasabing lugar ay biglang pinagbabaril ng riding in tandem criminal.

Nakuha ng mga imbestigador ng pulisya sa pinangyarihan ng krimen ang 8 basyo ng bala ng Cal. 45 baril.

--Ads--