--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanda na ng mga otoridad ang pagbibigay seguridad ang pagdating ni Papal Nuncio To The Philippines Archbishop Gabriele Giordano Caccia (Catcha) sa Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Ginoong Romeo Santos, Media Consultant ng Provincial Government ng Isabela, magkakaroon ng isang araw na State Visit sa Isabela si Papal Nuncio Archbishop Caccia bago siya maging panauhin sa Installation ng bagong obispo ng Diocese of Ilagan sa katauhan ng Bishop William Antonio.

Kahapon ay nakipagpulong sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan ang mga kinatawan ng Diocese of Ilagan upang paghandaan ang state state visit sa Isabela ng Papal Nuncio sa February 7, 2019, isang araw bago ang dadaluhang Installation ni Bishop William Antonio bilang bagong obispo ng Diocese of Ilagan.

Inihayag ni Ginoong Romeo Santos na inaasahang makikipagpulong ang mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Bogie Dy sa Papal Nuncio to the Philippines

--Ads--

Nagpulong na rin ang mga kasapi ng PNP at Philippine Army sa pagbibigay seguridad sa papal nuncio.