CAUAYAN CITY – Nilagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagiging host ng Local Governmen t Unit ng Ilagan City sa Batang Pinoy-Luzon Qualifying League na gaganapin sa March 16-23, 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Sports Coordinator Ricky Laggui ng LGU Ilagan City na nagpapasalamat sila dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napili ang Ilagan para sa pagsasagawaan ng nasabing aktibidad.
Nilagdaan ang MOA sa pagitan ng pamahalaang local ng Ilagan at Philipine Sports Commission sa kalakhang Maynila.
Nakapaloob dito ang mga alituntunin at gampanin ng bawat partidong kalahok.
Layunin ng Batang Pinoy na linangin at hubugin ang mga atletang pinoy na nasa edad labing lima pababa at matulungan ng pamahaalan para maging kinatawan naman para sa iba pang mga laro sa labas ng bansa.
Matapos naman ang paglagda ng Memorandum of Agreement ay magiging abala na ang Ilagan City para paghandaan ang mga venues para sa 20 sporting events ng Batang Pinoy .
Aasahan ang 4,000 delegasyon mula sa iba’t ibang Lokal Government Units sa bansa.