--Ads--

17 anyos na pumatay sa head teacher, mahilig manood ng crime and investigative series

CUAYAN CITY – Nabunyag na mahilig manood ng crime and investigation series ang 17 anyos na binatilyong nakapatay sa head teacher ng kanilang eskwelahan sa Aurora, Isabela.

Ang binatilyong suspek ay itinago sa pangalang Frank, 17 anyos, Grade-10 ar residente ng Aurora, Isabela.

Ang biktimang si Bobby Galiza, head teacher V ng Doña Aurora National High School at residente ng Camarunggayan, Aurora ay natagpuang patay noong umaga ng linggo, January 14, 2019 sa labas ng kanilang bahay na maraming tama ng saksak sa katawan.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi P/Sr. Inspector Villamor Andaya, hepe ng Aurora Police Station na lumabas sa kanilang pagsisiyasat na mahilig na manood ang suspek ng mga crime and investigation series na maihahalintulad sa kanyang ginawang krimen.

Sinabi pa ni Sr. Insp. Andaya na alam ng binatilyo ang kanyang ginagawa upang hindi direktang matutukoy sa krimeng nagawa.

Umamin lamang anya sa sa krimen ang binatilyo na si Alyas Frank sa harap ng mga kawani ng DWSD at abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) matapos ituro ng grade 10 student na kasama nilang pumasok sa bahay ng guro para sana pagnakawan.

Sa hiwalay panayam ng Bombo Radyo Cauayan sa isa sa mga suspek na si Jesus Acio, 36 anyos na nakakulong sa Aurora Polcie Station, sinabi niya na dahil sa kanyang takot ay hindi niya napigilan si Frank sa pagsaksak nang maraming beses sa kanyang kamag-anak na si Galiza.

Hindi rin siya sumuko dahil pinagbantaan siya ni Frank na may madadamay kung magsasalita siya.

Iginiit din niya na wala siyang partisipasyon sa krimen kaya pumapasok pa rin siya sa kanyang trabaho.