--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang lalawigan ng Isabela sa Guiness Book of World Records para sa pinakamaraming sabay-sabay na nagsayaw na nakasuot ng scarecrow.

Nasa 25 bayan at lungsod mula sa lalawigan ang lumahok sa street dance parade competition na isinagawa sa Isabela Provincial Sports Complex sa Ilagan City.

Tinanggap nina Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy at Vice Governor Tonypet Albano ang pagkilala mula sa adjudicator ng Guiness matapos saksihan ng mga kinatawan ng Guiness Book of World Records ang sabayang pagsasayaw ng mga taga Isabela kasabay ng Bambanti Festival, 2019 kung saan nagpakita ng kagalingan sa pagsayaw at paggawa ng mga costumes ang mga kalahok.

Sa ginawang beripikasyon ng adjudicator ng Guiness, kabuuang 2,495 ang sabay-sabay na nagsayaw na nakasuot ng scarecrow.

--Ads--

Pinasalamatan ni Governor Bojjied Dy ang mga taga Guiness at mga kababayang Isabeleño dahil nasungit nila ang world record.

Samantala, makikita sa festival grounds sa harapan ng Provincial Capitol ang mga ipinagmamalaking produkto ng bawat bayan sa Isabela.
Mahigpit na ipinatupad ng mga pulis ang seguridad para sa sa libu libong mga mamamamayan na nanood sa Bambanti Festival, 2019.