CAUAYAN CITY- Bumuo na ng special investigation task group ang Nueva Vizcaya Police Provincial Office katuwang ang Criminal Investigation and Detection Group at Aritao Police Station para sa agarang paglutas sa pagbaril patay kay NDFP Consultant Randy Felix Malayao.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Senior Supt. Jeremias Aglugob, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office na kanilang sisiyasatin at susuriin ang cellphone at laptop ng biktima upang matukoy ang huling nakausap bago naganap ang pagpaslang kay Malayao sa Aritao, Nueva Vizcaya.
Anya kaagad nagsagawa ng pagsusuri ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga labi ni NDFP Consultant Malayao.
Inihayag ni Senior Supt. Aglugob na magsasagawa ng pagtatanong ang mga imbestigador ng pulisya sa pamilya ng biktima na makakatulong sa paglutas sa pagpaslang sa NDFP Consultant.
Sinabi pa ng Provincial Director na makikipag-ugnayan sila sa mga guwardiya ng nasabing bus stop sa Aritao kung saan napaslang si Malayao at ipapaalala ang kanilang tungkulin na magbigay seguridad at para mapigilan ang kahalintulad na krimen.
Samantala, sa isinagawang pulong pambalitaan sa Cauayan City Police Station, nagbigay ng kahandaan ang pamunuan Isabela Police Provincial Office sa pagtulong sa pagkuha ng karagdagang impormasyon para sa ikalulutas ng pagpaslang kay Malayao.
Si Randy Malayao ay pauwi na dito sa lalawigan ng Isabela nang pagbabarilin sa isang bus stop sa bayan ng Aritao