CAUAYAN CITY – Ipinagmamalaki ni Gng. Arlene Maynigo, ang tinanghal na Outstanding School Paper adviser of the Philippines sa National Schools Press Conference o NSPC 2019 na ginaganap sa Lingayen City, Pangasinan na ang kanyang passion sa journalism ay resulta ng kanyang naging training at karanasan sa Bombo Radyo Cauayan bilang dating researcher at newswriter.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gng. Maynigo na nakilala sa radio name na Bombo Maureen Villarte, guro at school paper adviser ng Isabela National High School sa Ilagan City at editor-in-chief ng official publication ng Ilagan City Schools Division Office na ang pagkamit niya ng nasabing karangalan ay bunga rin ng kanyang disiplina, sipag at tiyaga sa pagbabasa pagsusulat, passion at katapatan sa trabaho.
Naging batayan din aniya sa pagpili sa kanya bilang oustanding school paper adviser ang mga naunang nakamit na award dahil sa mga nagampanan ng mga tinuruan niyang mag-aaral na lumahok sa mga district, provincial, regional at national schools press conference.
Isang mag-aaral sa grade 8 na bahagi ng kanyang team ang pinarangalan noon bilang oustanding campus journalist.