--Ads--

CAUAYAN CITY- Inilabas na ng Nueva Vizcaya Police Office ( NVPPO ) ang composite facial illustration ng suspek na bumaril patay kay NDFP Consultant Randy Felix Malayao sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Ang suspek ay mayroong tangkad na 5’3” hangang 5’6”, katamtaman ang pangangatawan, may edad mula 20 hanggang 25, kayumanggi ang kulay, tumitimbang ng 55-60 kilograms at nakasuot ng yellow t-shirt at brown shortpants.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Joseph Dela Cruz, Public Information Officer ng NVPPO na ang suspek ay nakasakayan ng biktima sa loob ng bus at bigla na lamang nawala matapos ang krimen.

Sinabi pa ni Supt. Dela Cruz na nabuo ang computerized facial composite batay na rin sa pahayag ng mga testigo sa krimen.

--Ads--

Naniniwala rin ang pulisya na ang pinaghihinalaan ay isang hired killer.

Sa ngayon ay sinusuri na nila ang kuha ng mga CCTV camera upang mai-kumpara ang nabuong composite facial illustration ng suspek.