--Ads--

CAUAYAN CITY- Tumagal ng 20 munuto ang naganap na labanan sa tropa ng pamahalaan at New Peoples Army sa sa Barangay Burgos, San Guillermo, Isabela.

Sa panayan ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Lt Col. Remegio Dulatre, Commander ng 86th Infantry Batallion na ipinarating sa kanila ng mga mamamayan ang presensiya ng mga rebelde sa kanilang lugar.

Dahil dito nagsagawa ng combat operation ang mga kasapi ng 86th IB nang makaengkuwentro ang humigit kumulang 30 kasapi ng New People’s Army sa nasabing lugar

Nagsimula anya ang engkuwentro 2:40 pm at tumagal ng 20 minuto ang labanan matapos umatras ang mga NPA

--Ads--

Wala naman anyang nasugatan o nasawi sa panig ng militar habang inaalam pa kung may casualty sa panig ng mga rebelde

Ito na ang pangatlong beses na sumiklab ang labanan sa panig ng miltar at rebelde sa Isabela ngayong taon habang ang una at pangalawa ay naganap sa San Mariano, Isabela.