--Ads--

CAUAYAN CITY –Dadaluhan ng mga international researchers ang isasagawang international resource forum na may kaugnayan sa tubig.

Isasagawa ito sa Cauayan City sa February 4-7, 2019

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Marcelo Miguel, Provincial Director ng Department of Science and Technology (DOST) Isabela na ang nasabing aktibidad ay pangungunahan ng Isabela State University katuwang ang DOST region 2 maging ang Local Government Unit ng Cauayan.

Layunin anya ng nasabing aktibidad na matukoy ang estado ng tubig sa ikalawang rehiyon dos maging sa isabela gayundin ang tustos nito pangunahin na at nakakitaan ng hindi magandang kalidad ng tubig bunsod sa pabago bagong panahon o ang climate change.

--Ads--

Inaasahang aabot sa 200 participants ang dadalo na mula sa iba’t ibang LGU’s sa region 2, National Irrigation Administration ( NIA) at Non Govrnment Organizations.

Tiyak anyang makikita ang mga bagong imbensiyon ang DOST para maging malinis ang tubig sa rehiyon.

Inaasahang magiging panauhin ang mga international researchers mula sa bansang Japan.

Inaasahang dadalo rin sa nasabing aktibidad si DOST Secretary Fortunato de la Peña.