CAUAYAN CITY – Nakatakdang pasinayahan bukas ang mga bagong pasilidad ng Cagayan Valley Medical Center o CVMC sa Lunsod ng Tuguegarao, Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Dr. Glen Mathew Baggao, hepe ng CVMC na kabilang sa bubuksan bukas ng tanghali ay bagong Cancer center , dept, of behavioral medicine at iba pang mga pasilidad na makakatulong sa mga mamamayan.
Meron ding malasakit center para sa mabilis na transaksyon na binubuo ng Social service, PCSO, Philhelath, at DOH.
Magtutulungan ang mga nasabing ahensiya na tugunan ang mga pangangailangan ng mga pasyente pangunahin na sa pinanasyal.
Nangunguna naman ang Cagayan Valley Medical Center sa ikalawang rehiyon na may pinakamaraming pasyente na may sakit na cancer o nasa isang libo apatnapu’t tatlo.
Nagpapasalamat si Dr. Baggao dahil sa bagong cancer center ay hindi na kailangan pumunta ng Maynila ang mga cancer patient para magpagamot dahil kompleto ang kanilang mga kagamitan na pinondohan naman ng DOH.