CAUAYAN CITY- Nadakip ang limang katao na sangkot sa illegal na droga sa isinagawang magkasunod na drug buy bust operation sa Santiago City.
Unang dinakip ay si Nick Cuaresma Jr., 48 anyos, may-asawa, magsasaka residente ng Balintocatoc, Santiago City at isang newly drug personality.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu at buy bust money.
Pangalawang nadakip ay si Susan Bautista, 59 anyos, residente ng Plaridel, Santiago City habang nagbebenta ng illegal na droga.
Si Bautista ay isang drug surrenderer ngunit bumalik sa kanyang illegal na gawain.
Isang sachet ng hinihinalang shabu at marked money ang nasamsam kay Bautista.
Naaresto naman si Rogelio alvarez, 31 anyos laborer, residente ng Santiago City.
Nakuha sa kanya ng isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at buy bust money
Newly identified drug personality si alvarez at nakulong ng mahigit 8 taon dahil sa kasong frustrated homicide.
Sinabi niya na inuutsan lamang siyang tagadala binibigyan ng isang libong arkila.
Arestado rin si Vivian Licnachan residente ng Dibinan East, Santiago City, may-ari ng videoke, oplan tokhang surrender noong Agosto 2016 sa barangay Rizal.
Panglimang inaresto ay si Dino Chinambling, 35 anyos, fish cage operator at residente ng Halag Proper, Aguinaldo Ifugao at newly identified drug personality.
Ang mga suspek ay dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Santiago Intelligence Branch, Station 2 at Phil. Drug Enforcement Agency o PDEA region 2.
Ang limang suspek ay dinala sa himpilan ng pulisya at anumang oras mula ngayon ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugst Act of 2002).